Kelot huli sa hipo at boga
AKLAN—Isang lalaki ang inaresto ng pulisya dahil sa panghihipo sa isang dalaga at pag-iingat ng baril, kamakalawa sa Bgy. Aquino, Ibajay sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Jay Tilos, residente ng Bgy. Balusbos, Malay sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, inireklamo ng hindi pinangalanang 20-anyos na dalaga sa pulisya si Tilos dahil sa panghihipo sa kanyang hita at nang kapkapan ng mga awtoridad ay nakumpiskahan ng baril at mga bala ang suspek.
Nakapiit na si Tilos na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness, illegal possession of firearm and ammunitons at paglabag sa Comelec gun ban.





Comments