top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di na napigilan ng mga guardian angels niya… MAGANDANG AKTRES, MALA-DRAGON 'PAG TINOTOPAK,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

PINAGTATAASAN ng kilay at bumi­bida ngayon sa mga ku­wentu­han sa mundo ng showbiz ang pag­­gawa ng eksena ng isang magan­dang aktres na bida sa bagong serye.

Inatake na naman kasi ng sumpong at kakaibang mood swings ang magandang aktres at nag-disappearing act sa teyping.

Marami siyang rason na ibinigay kung bakit siya na-bad trip at iniwan ang kanyang trabaho. Pero, hindi na pinag­tatakhan ng mga taong nakakakilala sa kanyang tunay na ugali ang kanyang ginawa. Ilang beses na raw nilang nakita kung paano nagta-transform bilang “fire dragon” ang magandang aktres kapag nasa bad mood o tinotopak. Walang nakakapigil sa gusto niyang gawin.

‘Di ba’t ang dati niyang manager ay nakatikim din ng sobrang pagtataray at panunumbat niya? Hindi rin nagta­tagal sa kanyang ugali ang mga nakakarelasyon niya!

Pasalamat ang magandang aktres na hindi siya natapat sa isang palaban at mataray ding aktres na katulad niya ay may mood swings din.

At least, ‘yung palaban at mataray na aktres ay marami nang acting awards na nakamit. May ‘K’ siyang umastang primadonna at mag-demand ng kung anu-ano. Eh, si moody pretty actress, may maipagmamalaki na bang award?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page