Bulding natupok, 50 patay
- Jersey Sanchez
- Feb 22, 2019
- 1 min read
HIGIT 50 katao ang nasawi matapos masunog ang apartment building na ginagamit bilang chemical warehouse sa Bangladesh.
Batay sa impormasyon, nabigong makalabas ang mga biktima sa makitid na daan dahilan para ma-trap ang mga ito sa gusali.
Gayunman, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa nakaimbak na mga kemikal, body spray at plastic granules.
Ayon kay Bangladesh Fire Service Chief Ali Ahmed, maaari pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi.
Nagmula ang sunog sa gusali sa Chawkbazar na agad kumalat sa mga katabing gusali.





Comments