SOONER TIME-SUMMER ROMANCE VS. MANDATUM

NABIGO ang Santa Ana Saddle ang Leisure Park na makabuo ng pitong karera kaya walang Winner-Take-All sa Naic, Cavite.
Dahil dito apat na Condition Race at dalawang Group Race, kasabay ng Pick 6, Pick 5 at Pick 4 event ang maiaalok ng Santa Ana Park. Sa Race 1, magsisimula ang Pick 6 at paglalabanan ng 9 na kalahok na pinapaboran ng Lady Pio at Hot Dog.
Anim na mananakbo ang maglalaban-laban sa Race 2 na umpisa ng Pick 5 event at pinapaboran ang Punisher, magsisilbing kalaban ang Yssa’s Will at Ashea’s Will.
Sa Race 3,magaganap ang Pick 4 event at pinapaboran ang couple entry na Sooner Time at Summer Romance at makakalaban ang Mandatum mula sa Herma Farms Inc. at Most Trusted para sa Trifecta.
Magsisilbing parating ang Ten Ten Forty, Pilya, Big Big Brown at Silver Wedding sa Race 4. Ipinapatok ang Sultry Giulia, habang magbibigay ng magandang laban ang Spin Move, Tabing Ilog at Amelia sa Race 5. Nakalalamang ang kalahok na Providence habang makakalaban ang Show Off at Angel Brulay.
Maaaring isama rin ang Florida Blanca sa final sa Race 6. Tip ni Mang Ding Race 1- Lady Pio (2) Hot Dog (6) All For Mama (4) Race 2- Punisher (2) Yssa’s Will (5) Ashea’s Will (5) Race 3-Entry No.2 Mandatum (4) Race 4- Ten Ten Forty (3) Big Big Brown (1) Race 5- Sultry Giulia (4) Spin Move (5) Race 6- Providence (4) Show Off (1) Florida Blanca (5).





Comments