top of page

Napahiya raw sa kabastusan… REGINE, INAWAY ANG FAN NIYA DAHIL KAY MORISSETTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

TRENDING na naman ngayon ang 2003 hit song ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na Pangarap Ko ang Ibigin Ka matapos gawin ng singer na si Morissette Amon ang “Pangarap Ko ang Ibigin Ka Challenge” nu’ng January 27, 2019 sa Gandang Gabi Vice.

Sa A.S.A.P. Natin ‘To ng ABS-CBN noong Linggo (February 17), ginawa rin ang nabanggit na challenge kung saan kasama na ni Morissette si Regine at ang ilang fans ng Songbird.

Pagkatapos ng segment, sinabi ni Regine na ibibigay niya kay Morissette ang kanta at bibigyan niya ito ng karapatang mag-record ng sariling version.

Dahil dito, may ilang fans ni Songbird ang nagalit kay Morissette.

Sey ng isang fan, “Hey @itsMorissette, hindi mo man lang tinanggihan si Queen Regine nu’ng ine-echos ka niyang iyo na ang kanta. Mahadera ka kasi! Feeling mo talaga.. starlet ka lang! NEVER MO MARARATING kahit ¼ ng achievements ni Regine or Sarah man. MAGKA-HIT song ka muna ulit! Kagigel ka!”

Ikinainit ng ulo ni Regine ang naturang komento kaya agad na rumesbak at ipi­nagtanggol si Morissette sa mga fans niya na bumabatikos sa singer.

Ani Regine, “Guys [what’s wrong] with me giving the song to her??? That song will always be mine but the [truth] is hindi ko naman mare-record ‘yun at wala na akong magagawa ru’n.”

Dagdag pa niya, “Ba’t ba mas maru­nong pa kayo sa ‘kin?”

Paliwanag ni Regine sa Twitter, gusto niyang mag-record si Morissette ng sarili nitong version na matatawag niyang sa kanya at para mas makilala ng new generation ang kanyang kanta dahil taong 2003 pa ito nu’ng unang ilabas.

Aniya, “I want her to record the song so the new generation will know the song. It will have a new life.

“She will definitely own it siyempre because that’s what we do, ako ‘pag kuma­kanta ng [songs] ng ibang tao, hindi naman sila nagre-react ng ganyan.”

Dagdag pa ni Regine, “I happen to love this girl because I think she is so talented. Utang na loob ‘wag OA!!!!!”

Matapos ang sunud-sunod na tweets ni Regine, mukhang natakot naman ang netizen kaya biglang nag-private ng kanyang account.

Hirit ni Regine, “O tapos naka-private ayaw mapagsabihan pero kung makautos at makapagsalita kayo sa ‘kin parang pag-aari n’yo ‘ko.”

Ayon pa kay Regine, hindi niya nara­ram­daman na pinoprotektahan siya ng ilang fans dahil ang feeling niya ay napapahiya siya.

Aniya, “It’s not protecting me, ipina­pahiya n’yo [angry emoji], OA.”

Paliwanag ni Regine, “Besides my body of work is MY BODY OF WORK. I don’t need you protect that ‘coz that’s finished already. Umiinit ulo ko sa inyo. Ang pinaka­ayoko ‘yung napapahiya sa kagagawan ng ibang tao!!!!”

“I’m disappointed [sad emoji],” pag­tatapos ni Regine.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page