Guro nilikida ng gunman
Pabs Hernandez III
Feb 21, 2019
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang guro ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Tetuan sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Gary Mohammad, residente ng Bgy. Patikul, Lamitan City, Basilan.
Nabatid na nakatayo umano si Mohammad nang lapitan ito ng suspek at agad binaril sa hindi pa malamang dahilan.
Dinala pa ng mga saksi si Mohammad sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments