top of page
Pokwang.jpg

Binatang feeling worried dahil dehins bet ng pamilya ng babaeng matagal na niyang nililigawan

ROMA AMOR
Feb 21, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Juls, 23 years old. Mayroon akong nili­ligawan, si Rina. Okay naman kami, kaya lang ang problema, ‘yung pa­milya niya. Tuwing bini­bisita ko siya sa kanila, todo-bantay ang mga ma­gulang niya sa amin. Wala namang problema ru’n, kaso, pakiramdam ko ay ayaw nila sa akin para kay Rina, ‘yung tipong kahit si­nu­subukan kong maki­pag-usap sa kanila ay sob­rang plain ng sagot nila. Pakiramdam ko ay hindi ko pa nakukuha ang ti­wala nila kahit limang buwan ko nang nililiga­wan si Rina. Ano ang puwede kong gawin para makuha ko ang tiwala nila? Sana, mapayuhan ninyo ako. Salamat! — Juls

Juls,

Alam mo, bro, normal lang sa mga magulang na ganu’n ang maging pakiki­tungo nila sa umpisa. Siyem­pre, kasabay ng pagkilala mo sa anak nila, eh, gayun­din sila sa pagkilala sa iyo. Kaya ang maipapayo namin sa iyo ngayon ay patuloy mong ipakita sa pamilya ng nililigawan mo, partikular sa kanyang mga magulang na malinis ang iyong in­tensiyon sa kanilang anak at aalagaan mo siyang mabuti kapag dumating ang araw na naging girlfriend mo na si Rina. Kaunting tiyaga pa dahil ‘ika nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Ka­yang-kaya mo ‘yan! Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page