Aktres, ilang taon daw nagpakamartir… HIRIT NG MGA KAIBIGAN: HARLENE, TAMA LANG NA HUMIWALAY KAY RO
- BULGAR

- Feb 21, 2019
- 1 min read

MARAMI man ang nanghihinayang sa paghihiwalay nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, may ilang kaibigan/co-workers naman ang nagsabi na mas okay nang maghiwalay at magpakatotoo sila sa kanilang sarili kesa naman patuloy na mabuhay sa pagkukunwari.
Deserve naman ni Harlene ang lumigaya at magkaroon ng bagong chapter sa kanyang buhay. Ginawa naman niya ang lahat sa relasyon nila ni Romnick. Naging mabuti naman siyang asawa at ina sa kanilang mga anak. Ilang panahon din na siya ay nanahimik at nagpakamartir alang-alang sa kanyang pamilya. Umasa siyang may pagbabagong magaganap at mabubuong muli ang relasyong nagkalamat na.
At sa panahon ngayon, hindi na sapat na dahilan ang manatili sa isang relasyon para lang sa kapakanan ng mga anak. Bata pa si Harlene, marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Marami pa siyang pangarap na gustong abutin.
Naging matagumpay ang kanyang first directorial job at umani ng parangal ang pelikulang Kiss na kanyang idinirek. Malalaking pelikula rin ang susunod niyang ipo-produce thru Heaven’s Best Productions.





Comments