Shoutout sa mga beshy natin diyan na mahilig magpabutas ng tainga...EAR PIERCING, GOOD SA HEALTH!


PATOK na patok ngayon ang iba’t ibang klase ng ear piercing, ‘yung tipong pabata nang pabata ang mga nagpapabutas ng tainga dahil feeling nila, eh, cool sila. Joke! Ha-ha-ha! Kidding aside, alam ba ninyong ang ear piercing ay good sa health? Weh ‘di nga?
Ayon sa pag-aaral, ang pagpapabutas ng tainga ay may benepisyong naibibigay sa kalusugan ng indibidwal.
Bukod sa pakikisabay sa uso, mayroon umanong point sa lower part ng tainga na nakakonekta sa utak kung saan kapag ito ay binutasan, nakatutulong ito upang maging aktibo ang ating brain cells.
Maliban pa rito, ang mga taingang may butas ay nakatutulong upang mas makarinig tayo nang maayos at malinaw.
Gayunman, ayon sa mga eksperto pagdating sa accupuncture, mayroon ding point kung saan kapag ito ang nilagyan ng butas ay mas mag-i-improve ang ating paningin.
Samantala, sa siyentipikong pag-aaral, pinaniniwalaan ding ang pagkakaroon ng ear piercing ay nakape-prevent ng paralysis.
Dagdag pa rito, maaari rin nitong palusugin ang ating reproductive organs.
Sa katunayan, noong ancient times, nakaugaliang pinabubutasan ng tainga ang mga bata dahil naniniwala ang mga matatanda na nakai-increase ito ng strength at nakapagpapatalino.
Bukod sa ear piercing, maging ang nose, lips, bellybutton at nipple piercing ay may kani-kanya ring benepisyong naidudulot sa ating katawan.
Pero, ang payo ng mga dalubhasa, make sure na kung magpapabutas kayo ng mga tainga, eh, du’n na sa legit at safe, para maiwasan ang pagkakaroon ng infection o iba pang sakit, gayundin, ang hikaw na gagamitin ay ‘yung maganda at hypoallergenic, iwasan din ang paggamit ng mga peke lalo na kung maselan ang inyong balat.
Kaya mga beshy, dedma lang sa mga taong mapangmata at masyadong pakialamera. Kung bet ninyong magpabutas ng mga tainga o kung ano pang parte sa inyong katawan, eh, go lang!
Basta masaya kayo sa ginagawa ninyo ay ayos ‘yan!
Gets mo?





Comments