top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Campaign ads sa mga pampublikong sasakyan, tiyaking safe!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2019
1 min read

NAGUGULUHAN na ba kayo sa mga nagkalat na campaign materials?

Madaragdagan pa ‘yan.

Ito ay matapos ianunsiyo ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) na puwede nang maglagay ng political advertisement sa mga public utility vehicle (PUV).

Maaari na sa public utility jeepneys (PUJs), public utility buses (PUBs) at taxi.

Tiyakin lang na hindi nalalabag ang rules and regulations ng Com­mission on Elections (Comelec) pagdating sa election propaganda.

Dapat ding pumasa sa requirements at guidelines sa transit advertisement ng LTFRB.

Kung saan kailangan ng mga kandidato ng permit at mabayaran ang kaukulang fee bago maikabit sa PUV ang campaign materials.

Kailangan ding siguruhing ang ilalagay na ads ay hindi magdudulot ng traffic hazard o hindi makokompromiso ang kaligtasan at ginhawa ng mga pasahero o ng publiko at hindi nakasasagabal sa “line of sight” ng driver.

Dapat ding nakasunod sa moral at disenteng pamantayan ng poli­tical ads at hindi natatakpan ang pagkakakilanlan at operational information ng PUV tulad ng plaka o body number ng yunit.

Sinumang pasaway ay mapapatawan ng minimum penalty fee na P10, 000 at maximum punishment na pag-alis ng kanilang prangkisa.

Kaya sumunod na sa mga panuntunan nang hindi mapagastos at higit sa lahat, nang walang mapahamak.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page