Alamin mula kay Señor…MGA BAGAY NA DAPAT GAWIN TUWING LILIPAT NG BAGONG BAHAY
- BULGAR

- Feb 20, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Rebecca ng Rebecca_Beck-beck@facebook.com
Dear Señor,
OFW ako at unti-unti ay ipinagawa ko ang bahay namin dahil nangungupahan lang kami at noon pa namin pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Pero, ngayon ay lilipat na kami sa ipinagawa kong bahay. Gusto kong humingi sa inyo ng gabay kung ano ang masusuwerteng dapat gawin tuwing lilipat ng bagong bahay?
Maraming salamat!
Naghihintay,
Rebecca
Sa iyo Rebecca,
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat gawin kapag lilipat sa bagong bahay:
1. Bago kayo lumipat, maglinis kayo ng gamit na gagamitan ng maraming tubig.
2. Sa araw ng paglipat ninyo, ang unang dapat ipasok sa bahay ay bigas dahil ito ang numero-unong pangangailangan ng pamilya.
3. Ang bigas ay dapat na isaboy sa buong bahay. Pagkatapos ng pitong araw at saka maglinis ng bahay.
4. Tulad ng bigas, dapat ding isaboy ang asin sa loob ng bahay.
5. Gayundin, ang barya na dapat na ilagay sa banga.
6. Ang kasunod na ipapasok ay walis na iwawasiwas sa buong bahay, lalo na sa mga kanto ng bahay. Itatago ang walis sa taguan ng gamit at ang gagamitin lang sa paglilinis ng bahay ay tatlong walis. Ang natitirang walis ay ilalabas kapag may sakit ang isa sa mga miyembro ng pamilya na nakatira sa bahay.
7. Ipapasok din ang ilang kaha ng posporo na sisindihan sa buong bahay. Ang ganitong ritwal ay hindi pambata, kaya dapat ay hindi kasama o malayo ang mga bata kapag sinindihan ang kahon ng posporo. Iwasan din na malapit ang posporo sa kurtina o mga papel.
8. Kailangan ding magdasal ang lahat ng Ama Namin at Sumasampalataya, hindi naman gaanong mahalaga kung kabisado ang mga dasal na ito dahil puwede namang basahin ang mga dasal sa harap ng altar.
Mayroon pang ibang mga dapat gawin, pero ang mga nasa itaas ang pinakamahalaga para sa mga maninirahan sa bagong bahay.
Good luck and God bless!



Comments