Alamin mula kay Maestro...MGA BUWENAS NG TIGRE NGAYONG 2019
- BULGAR

- Feb 20, 2019
- 2 min read

SINASABING hindi lang likas na lapitin ng suwerte at magagandang kapalaran ang mga Tigre, sa halip, as long as, nama-manage o napaglalabanan nila ang malalim na takot sa kanilang puso na hindi rin nila alam kung bakit sila ganu’n, ang tagumpay at magandang kapalaran ay kusa nilang makukuha.
Ibig sabihin, kailangang matutunan nilang labanan ang takot na nananahan sa kanilang puso at kailangan nilang makapagpasya ng tama dahil sa ganu’ng paraan, matitiyak nila ang malaking tagumpay na nakalaan para sa kanila, partikular ngayong Taon ng mga Baboy.
Kaakibat din ng kapalaran ng Tigre ang tinatawag na “unpredictability” kung saan ang kanilang mga tagumpay at suwerte ay kagulat-gulat at hindi inaasahan. Kadalasan, malalaki at bigla-bigla kung dumating ang kanilang mga buwenas higit lalo sa mga bagay na may kaugnayan sa salapi, career at materyal na bagay.
Kaya lang, pagkatapos mahawakan ng mga Tigre ang malalaking buwenas at suwerte, ang nagiging kasunod nito ay pag-iisa at kalungkutan. Pero, minsan naman ay vice-versa kung saan mauuna ang pag-iisa at malalim na kalungkutan, ngunit, paglipas ng mga ilang araw o buwan ay malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang makukuha nila. Oo, ganu’ng-ganu’n ang pattern o ang itinakdang kapalaran sa mga Tigre, hindi simple, sa halip ay kumplikado, pero siyempre, palaging mas marami ang buwenas kaysa sa negatibong mga pangyayari, lalo na ngayong 2019.
Dagdag pa rito, kadalasan ay inaakala ng iba o ng mga nakakikilala sa kanila na magara, padaskul-daskol at marahas ang ugali ng Tigre, pero ang totoo, sobrang malambot ang kanilang puso at napakamaawain lalo na sa mga inaapi at mga maralita. Sa madaling salita, mabilis na mahabag ang puso ng Tigre kapag nakakikita sila ng mga naghihirap at sobrang inaapi ng tadhana.
Dahil sa kanilang kababaan ng loob at malambot na puso, ang mga Tigre ay palaging pinagpapala ng langit na kahit dumanas pa sila ng mga kabiguan at mabibigat na problema ay palaging ibinababa ng nasa itaas ang Kanyang mga kamay upang tulungan at iahon ang Tigre sa anumang problemang kanyang kinahaharap.
Kaya kung ikaw ay Tigre, anuman ang mangyari sa iyong kapalaran ngayong 2019, umasa ka na ang lahat ng ito ay panandalian lamang at sa bandang huli ay mauuwi rin ito sa maganda, masagana at maligayang karanasan.
(Itutuloy)




Comments