7 yrs. nang BF, LDR, Daniel HIRIT NI KARLA: HINDI IMPORTANTE ANG LOVE LIFE


DU'N naman sa grand mediacon ng Familia Blondina headed by Karla Estrada ay inamin din ng dearest mom ni Daniel Padilla na meron siyang love life sa ngayon.
‘Yun nga lang, LDR, as in long distance relationship daw. At seven years na raw silang inlabey sa isa’t isa na hindi naman lihim sa sikat niyang anak na si DJ.
Nasa Colorado raw based ang guy ‘coz may bagong negosyong itinayo ru’n. Three years pa raw bago bumalik dito sa ‘Pinas ang kanyang dyowawing.
Pero sabi nga ni Karla, hindi importante ang love life sa kanya kaya chillax lang siya sa ngayon at happy naman sa kanilang LDR.
“May love life o wala, sa estado ng buhay ko ngayon, maayos ang mga anak ko, wala na akong hihilingin pa. Masayang-masaya ako,” sabi pa ng tinagurian ngayong bagong Momshie ng Komedi dahil nga rito sa pelikula nilang Familia Blondina na mula sa direction ni Direk Jerry Lopez-Sineneng at sa panulat naman ni Ms. Mel Mendoza-del Rosario na siya ring sumulat ng Ang Tanging Ina ni Ai Ai Delas Alas.
Well, kung si Harlene ay no need nang maging background music ang All By Myself ‘coz nandito lang naman sa ‘Pinas ang kanyang bagong labs na kapalit ng estranged husband niyang si Romnick Sarmenta, puwes, para sa amin, puwede naman itong awit-awitin ni Karla Estrada kapag siya ay goli sa bathroom or nag-iisang sleeping in bed dahil nga sa long distance relationship niya sa kanyang bf. Insert smiley, J!





Comments