Throwback photo ng aktres, ikinalat sa social media… ANNE KAY LUIS: MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO SA A
- BULGAR

- Feb 19, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

IBANG klase talaga si Luis Manzano. Best friend niya si Anne Curtis kaya naman kayang-kaya niya itong gawan ng kahit anong bagay na hindi ikinagagalit ng aktres-TV host.
Isa ang actor-host sa mga nag-greet nu’ng actual birthday ng It’s Showtime host at kakaibang mensahe ang ipinadala ni Luis para sa kaibigan.
Isang throwback photo ang ipinadala ni Luis kay Anne which is a unique photo ni Anne nu’ng time ng teleserye niyang Kampanerang Kuba. Caption ni Luis sa photo: “Naalala ko si Fatima sa Kampanerang Kuba @annecurtissmith Miss ko na ‘yung mga palabas dati.”
Shocked si Anne sa nasabing photo at agad niyang ni-reply-an ang kaibigan na intense na intense ang expressions dahil sa pambu-bully sa kanya.
“Manzano, you are going to pay for this,” reaksiyon ni Anne.
Manzano kung tawagin ni Anne si Luis.
Maging ang ibang celebrities na bumati sa birthday girl ay natawa at bumilib sa sobrang closeness ng magkaibigan.





Comments