top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sexy star, nag-iba ang hitsura… CRISTINE, PINAG-INITAN ANG BUHOK DAHIL SA HIWALAYAN NILA NG MISTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2019
  • 1 min read

Photo : @cristinereyes

NAGULAT ang marami sa bagong style and red-colored hair ni Cristine Reyes na ipinost niya sa kanyang Instagram account. Biglang nag-iba ang hitsura ni Cristine sa buhok niya ngayon, mas muk­hang tumapang at palaban ang dating para sa mga netizens.

May kinalaman daw ang pagbabago ng buhok ni Cristine sa pelikula niya kasama si Xian Lim. Pero mas naniniwala ang marami na isa ‘tong “statement” sa status ng love life niya ngayon.

Hindi nga ba’t kasabihan na kapag nagpagupit ng buhok ang babae, tiyak na may pinagdaraanan sa buhay lalo na sa usaping pag-ibig?

Kalat na rin kasi ang balitang hiwalay na si Cristine sa asawa niyang si Ali Kha­tibi. Nagsimula diumano ang kumpir­mas­yon sa mga pahayag ng nakatatanda niyang kapatid na si Ara Mina.

Although, need pa rin siyempre na mang­­galing mismo kay Cristine ang kum­pirmas­yon sa balitang hiwalayan nila ni Ali.

Say naman ng ilang netizens, buma­gay kay Cristine ang red hair niya sa skin tone niya ngayon. Kulay tan na kasi ang balat ni Cristine na nakuha raw niya sa “pagbibilad” sa mga beaches sa Thailand at Boracay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page