ONLINE AT MCDAVID PAPARADA SA D-LEAGUE


SIMULA na ang kampanya ng AMA Online Education at ng McDavid sa lalargang 2019 PBA D-League sa Paco Arena, Manila.
Mataas ang kumpiyansa ng Titans dahil ipaparada ni coach Mark Herrera ang bago nilang roster na puno ng talento. Ilalarga ng AMA si top overall pick Joshua Munzon, kasama ng Fil-am swingman ang kapwa rookies na sina Kib Montalbo ng La Salle at Troy Rike ng NU.
Nanatili sa kampo ng Titans ang masipag na forward na si Andre Paras na pakay kunin ang maagang liderato sa Aspirants Group ng 2 p.m. Pero hindi madali ang lahat, lalo na kay McDavid coach Allen Ricardo na babanggain ang mga beteranong kalaban sa nagsisimula pa lang niyang line-ups.
Ibabalandra ni Ogie Menor sa pagbabalik niya sa PBA D-League sa red-and-white team sina dating pros Jerick Canada, Jason Melano at James Martinez. (MC/VA)





Comments