Komedyante, nagbago na raw, pero… JOBERT, UMAMING 'DI PA RIN NILALAYUAN ANG MGA KAIBIGANG ADIK


OPEN book naman sa showbiz ang nakaraang kontrobersiya sa komedyanteng si Jobert Austria noong 2014 nang muntik na siyang tumalon sa isang building.
“Kung hindi nangyari sa akin ‘yun, hindi ako aabot dito,” sabi ni Jobert sa presscon ng Familia Blondina, “kasi doon ako natuto. Kung hindi nangyari sa akin ‘yun, hindi ko mari-realize na meron pa palang buhay pagkatapos nu’n.
“Kaya proud ako kasi hanggang ngayon, mula nu’ng incident na ‘yun, hindi na ako bumalik kahit kelan.
“So, ‘yung mga kaibigan ko na nandu’n pa rin, lagi ko rin silang… nakakaalalay ka na ng ibang tao.”
Matatandaang inamin na rin naman ni Jobert noon na dati siyang drug user at nakakatuwang malaman ngayon na dire-diretso na siyang nagbago at hindi na bumalik sa bisyo.





Comments