top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kaya galaw-galaw para hindi rumupok ang inyong katawan, besh! PAGTALON, EPEKTIB NA PAMPATIBAY NG MG

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2019
2 min read

FOR sure, ‘yung mga mamshie natin diyan, eh, tinatamad nang mag-ehersisyo dahil kung minsan, eh, pagod na sa traba­ho, gawaing-bahay o kaya ay sumasakit na ang mga butu-buto. Ooops! Pero, mga mam­shie, siguradong gugustuhin na nin­yong gumalaw-galaw dahil ayon sa pag-aaral, ang pagtalon ay nakapagpapatibay ng mga buto. Weh, ‘di nga?

Ang pag-aaral ay isinagawa sa 14 na kababaihan na nasa edad 50 kung saan pinagawa sila ng iba’t ibang klase ng pagtalon.

Una, ang counter-movement jump kung saan ginagalaw ng mga kalahok ang kanilang mga braso. Kasunod nito, ang box drop kung saan kailangang tumalon ng mga kalahok mula sa kahon na may taas na walong pulgada habang ang huli ay tinawag na heel drop na kailangang naka-tiptoe ang kalahok bago tumalon, gayundin sa paglapag nito.

Bagama’t, hindi sinukat ng mga researcher ang bone den­sity ng mga kalahok, ang impact ng landing ng mga ito mula sa pagtalon ay nagpakita umano ng magandang resulta.

Ayon kay Dr. Montomeru, ang epekto ng pag-eehersisyo ay katumbas ng 2 porsiyento ng bone mineral density kada taon kung saan sapat na umano ito upang bumaba ang tsansa sa pagkakaroon nila ng osteoporosis.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, 3.5 milyon katao ang mayroong osteoporosis kung saan karamihan sa mga ito ay pawang kababaihan, partikular ang mga malapit na sa menopausal age.

Ang pag-aaral ay nai-published sa Journal of Electo­myography and Kinesiology kung saan napag-alaman ng mga researcher na ang pagtalon ng isang beses kada apat na segundo ay mayroong magandang resulta sa mga kalahok.

Samantala, kung gusto mong maiwasan ang nasabing kundisyon, mas mabuting kumonsulta ka na sa doktor.

Hindi lang pala supplements ang nakatutulong para tumibay ang ating mga buto dahil keri rin itong gawin ng simpleng pagtalun-talon, pero huwag nating kalilimutan ang mga rekomendasyon ng mga eksperto, ha?

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page