INIONG, BAGONG BIDA, RADZUAN, GINULPI SA BANGKOK ONE C’SHIP
- BULGAR

- Feb 19, 2019
- 1 min read

MULING pinatunayan ni Filipina warrior Gina “Conviction” Iniong na makababalik ang kanyang tikas matapos na makapanggulpi at magpasuko sa kanyang laban noong Sabado ng gabi sa Bangkok.
Nagwagi si Iniong sa makapigil-hiningang bakbakan laban sa pinakapetmalu na atomweights, naangkin ang walang kuwestiyong split decision victory laban sa wala pang talo na si Jihin “Shadow Cat” Radzuan sa ONE: Clash of Legends sa Thailand.
Muli niyang naibalik ang kanyang kumpiyansa, nakapagpalakas mula nang magpahinga at pag-isipan na muling maging unang Pinay na World Champion sa sport ng mixed martial arts. “It was a big relief. I struggled in my last bouts, so it feels really good to get back on track,” saad niya. “Hopefully, this is a start of another run for me at the belt. “
Hindi na pinagdudahan kung sino ang sasagupain ni Iniong sa bakbakan. Unang-una pang ikinababahala ng kanyang ina ay nang ma-diagnosed siya na may stage five chronic kidney disease.
Namroblema pa ang gym ng legendary Team Lakay, na dumanas ang mga ka-team niya na sina Geje “Gravity” Eustaquio at Joshua “The Passion” Pacio ng pagkatalo at nawalan ng World titles ngayong pagpasok ng 2019. Ayon kay Iniong, iniaalay niya sa kanyang koponan ang kanyang stellar performance. “This win is for my family first and foremost, and of course my gym, Team Lakay, and the Philippines.” (MC)





Comments