DURANT NG TEAM LEBRON, NANAIG SA TEAM GIANNIS NG NBA ALL-STAR GAME


HUMALIBAS si Kevin Durant ng 31 puntos at napagwagian ang MVP honors matapos na manaig kay Giannis Antetokounmpo para iangat ang Team LeBron sa bisa ng 178-164 win kahapon sa 2019 NBA All-Star Game.
Nakapagtangka ang Team LeBron ng siyamnapung 3 puntos (bumanat ng 35) kung saan ang teams ay may kabuuang 168 attempts.
Si Durant ang bumida nang husto para akayin ang laban ng Team Lebron na humataw pa ng tres puntos sa nalalabing 3 minuto sa itinarak na 171-160 lead.
Nakagawa si Kyrie Irving ng palipad na tirada habang si Durant ay may 15-footer na layo ng shooting upang tuluyang maiselyo ang panalo.
“It’s cool to be out there with some of the best players to ever play the game, and to win an MVP here in front of my family and friends is pretty sweet,” ani Durant na siya ring nag-uwi ng All-Star Game MVP honors noong 2012.
Bagamat umiskor si Antetokounmpo ng game-high 38 points sa 17-of-23 shooting ay kinapos ang koponan, pero na pinuri ng husto ang laro maging ni Durant.
“He’s got potential through the roof. He’s still producing at an elite level, and it’s scary to see how far he can keep going,” ani Durant.
“His game is rounding into shape. He’s still getting better, but he’s leading top five, top three MVP candidates right now at 20.
How old is he, 23? To be that young and already at the top of the class as one of the elites in the game, it’s a joy to watch his progression.”
Pero matapos ang ginawa ni Durant, pinaposte ni James si 76ers forward Joel Embiid sa corner para sa 3 at nasundan niya ng isang one-handed slam mula sa pasa ni Irving para palawigin ang liderato ng Team LeBron, 168-158.
Kumunekta pa si Durant ng dalawang 3 mula sa kanan para bigyan ang Team LeBron ng 161-153 lead sa unang 5 minuto ng 4th quarter.
Sa final buzzer na lamang nakapagpatikas si Stephen Curry sa Spectrum Center at isang reverse jam ang kanyang ginawa. (ATD/MC)





Comments