top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di lang isa, Joey… HIWALAYAN NINA MARK AT WINWYN, MARAMING 'THIRD PARTIES'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2019
  • 1 min read

BOTH mum sina Winwyn Marquez at Mark Herras on the cause of their breakup. Wala raw third party. Well, tell that to the marines, ‘ika nga.

Kung ia-analyze mo, may third party na masasabing tila ‘swords of Damocles’ na nakaamba simula pa lang ng relasyon ng dalawa.

Unang-una, obvious na tutol ang daddy ni Winwyn na si Joey Mar­quez simula nu’ng in-announce nila ni Mark ang kanilang relasyon.

We can still remember na minsan ay in-encourage pa nang husto ni Tsong Joey na mag-masters pa ang kanyang anak at ‘wag munang mag-asawa.

Sa parte ni Mark, ilang ulit na nitong sinabi na si Winwyn na ta­laga ang huling babae sa buhay niya. Lately, Wyn realized na may naghi­hintay pang magandang future sa kanya if she still stays single.

Nag-iisip siya kung sasali pa uli sa Bb. Pilipinas next year since age wise, qualified pa siyang maging candidate. Kung naipanalo niya ang unang international beauty contest na sinalihan, wouldn’t it be possible for her to win another crown in the future?

Sa ngayon kasi, mas gumanda si Winwyn at mas naging okay ang kanyang figure at marami ang nag-i-encourage sa kanyang sumali sa another beauty contest.

Bukod diyan, aminado rin si Winwyn na gumanda ang takbo ng kanyang career. In fact, ngayon ay pang-leading lady na siya sa bagong Regal movie na Time & Again, at may mga dumating ding endorsements.

Kung ang mga ganitong klaseng opportunities ay at your doorstep, hindi ka ba magdadalawang-isip na unahin muna ang career kesa sa love life?

So, we believe na wala ngang third party kundi “third parties” sa hiwalayang Mark-Winwyn.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page