After i-unfollow si Daniel sa IG… KARLA, NAGSALITA NA SA SAMA RAW NG LOOB KAY KATHRYN
- BULGAR

- Feb 19, 2019
- 2 min read

TAHASANG itinanggi ni Karla Estrada ang balitang naghihinanakit siya kay Kathryn Bernardo, ang girlfriend ng anak niyang si Daniel Padilla.
Sa presscon ng Familia Blondina, sinagot ni Karla na ngayo’y binansagang “Comedy Momshie” ang tungkol sa isyung hiwalayan nina DJ at Kath.
Nag-umpisa ang lahat sa pag-a-unfollow ni Daniel kay Kathryn sa Instagram, na ang paliwanag ng Teen Queen ay aksidente niyang na-block ang BF.
Umpisang paliwanag ni Karla, “These things really happen sa mga magkakarelasyon.
“And maganda naman du’n, na-explain naman ni Kathryn, na of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow, ‘di ba, parang ganu’n? So, si Kathryn ‘yun.
“And then kami, tawanan lang kami. Tawanan lang kami. Hindi masyadong big deal ‘yung mga bagay na ‘yan.
“And then, kung anuman ‘yung... hindi naman daw niya sinasadya, ‘di ba? She was saying... But of course, huwag na tayong manghimasok du’n. Hayaan na natin sila sa mga ganu’n-ganu’n nila, ‘di ba?
“Basta ang importante, ang anak ko ay nagde-deliver nang maayos sa buhay pag-ibig, sa pamilya niya, at lalung-lalo na sa kanyang buhay sa trabaho, ‘di ba?” nangingiti nitong pahayag.
Wala naman ba siyang problema sa kanyang manugang-to-be?
“I never had any issues with Kathryn, alam niya ‘yan, sa family niya. So, I’m good doon sa relationship nilang dalawa ni Daniel. Because nakita ko naman na ang anak ko ay nag-mature.
“And then, actually, silang dalawa, pareho silang naghilahan paakyat. So, wala akong puwedeng sabihing hindi maganda, ‘di ba?
“And of course, bilang nanay, bago ko sabihin sa mga tao ang aking hinanakit, o kung ano man ang kailangan kong maging komento kay Kathryn at kay Daniel, mauuna na ‘yun sa bahay, sa aking anak.
“Hindi tayo puwedeng maglaba ng maruruming damit natin sa social media. Because wala silang maitutulong lahat kundi makikilaba lang sila, ‘di ba?” sey ni Comedy Momshie.
Samantala, binigyang-linaw na rin ni Karla ‘yung proposal daw ni Daniel sa Japan kay Kathryn. Aniya, wala lang ‘yun dahil kung may seryosong bagay na gagawin ang anak, tiyak na ipapaalam sa kanya.
Sakali mang magkatuluyan sina Kathryn at Daniel, handa na ba siyang maging lola?
Bahagyang napaisip si Karla, “Actually, lola na ako,” sey niya.
“Kasi, ‘yung iba kong mga pamangkin, may mga anak na. So, oo, lola na ako.
“(Pero) Sa sarili kong anak? Ahhmm, hindi ko masabi kung naiisip ko na o hindi, pero ngayon ay nasa mga tamang edad naman sila... Ang importante sa akin... handa na ba sila?!
“Handa na ba kayo?! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabay biro.





Comments