top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

8 TEAMS, SUMABAK NA SA 2019 JML PREMIERSHIP 15S RUGBY

Eddie M.Paez, Jr.
Feb 19, 2019
1 min read

NAGSIMULA na ang rugby season sa bansa sa paglahok ng walong kopo­nan sa 2019 JML Premier­ship 15s tournament sa Southern Plains ng Laguna gayundin ang papaigting na paghahanda sa world quali­fiers ng Philippine Volca­noes.

Sumibad sa magandang arangkada ang HMR Ibons sa “Pool A” pagkatapos ni­tong nalusutan ang hamon ng Clark Jets-Sharks, 33-29.

Dikdikan ang sagupaan at kahit noong first half, wa­lang nakatitiyak kung aling koponan ang magwawagi dahil dalawa lang ang na­ging agwat ng HMR, 19-17.

Nakasabay din sa trang­ko ang mga Manila Nomads na nagpadapa sa SKF Ma­vericks sa iskor na 45-35 sa sagupaang Pool B.

Kasama sa mga naka­pagposte rin ng panalo ang koponan ng pre-tournament topseed Eagles RFC at ng Makati Chiefs na nangiba­baw laban sa Manila Cara­baos at Albay Bulkans ayon sa pagkaka­sunod-sunod.

Sa kababaihan, inilam­paso ng JML ang katuung­galing SKF Lady Mave­ricks, 83-7, para sa unang panalo nito.

Hindi pinagdu­dahan ang resulta ng laban dahil sa half­time pa lang ay kumakain na ng alikabok ang huli, 38-7.

Nakasabay sa lead pack ang HMR Lady Eagles na nangibabaw laban sa Makati Lady Chiefs

Samantala, ilang linggo na lang at sasabak na ang Phi­lippine Volcanoes sa 2019 World Rugby Sevens Series Qualifier sa Hong Kong.

Ito’y isang malaking ka­ga­na­pan para sa Philip­pine rugby dahil kung magi­ging matagumpay ay mag­ka­ka­roon ng tsansa ang Pi­lipinas na makapasok sa world stage ng rugby.

Na­una, rito, nakuha ng mga Volcanoes ang karapa­tang lumahok sa Hong Kong tilt matapos na hira­nging pangatlong pina­ka­malupit na rugby nation sa buong Asya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page