20 sundalo nadale sa riot
SUGATAN ang 20 sundalo sa sagupaan na naganap sa Gaza Strip.
Batay sa impormasyon, 19 sa mga ito ay Palestinian soldier habang ang isa ay mula sa Israel.
Ayon sa Israel Defense Forces, nasugatan ang isang sundalo nila nang hagisan ng pampasabog sa kalagitnaan ng riot sa Gaza sa border fence ng Israel.
Gayunman, gumamit ng tanke ang Israel sa dalawang military post ng Hamas at Gaza dahilan para masugatan ang 19 Palestinian soldiers.
Iginiit ng Israel na magpapatuloy ang kanilang pagdepensa sa kanilang border.
Matatandaang, umabot na sa 250 Palestinians ang nasawi sa isinasagawang tank fire at air strikes ng Israel mula noong Marso 2018.





Comments