Travel alert papuntang Haiti, itinaas | 100 TURISTA STRANDED
NAGLABAS ng abiso ang pamahalaan ng Canada sa mga residente tungkol sa travel alert patungong Haiti.
Kasunod ito ng mga kaso ng pagka-trap ng Canadian tourists dahil sa mga kilos-protesta sa naturang Carribean State.
Ikinabahala naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang ulat hindi lamang para sa kanyang mga kababayan kundi pati na rin sa sitwasyon sa Haiti.
Gayunman, hangga’t hindi pa maayos ang sitwasyon sa nabanggit na bansa, pansamantalang sinuspinde ng Canada Border Services Agency ang removal ng failed refugee claimants at iba pang nahaharap sa extradition, gayundin ang Canadian Embassy sa Port-Au-Prince.
Batay sa tala, 113 turista mula sa Canada ang stranded sa isang beach resort dahil sa mga banta ng gun violence.





Comments