Kahit aprubado ni Trump U.S.-Mexico border wall | PAG-ARALAN PA — DEFENSE CHIEF
- Jersey Sanchez
- Feb 18, 2019
- 1 min read
PATULOY pa rin ang diskusyon ng mga opisyal hinggil sa pagtatayo ng U.S.-Mexico border wall, ayon kay acting U.S. Defense Sec. Patrick Shanahan.
Ito ay kasunod sa pag-anunsiyo ni U.S. President Donald Trump na kanyang itutuloy ang pagtatayo ng border wall gamit ang private funding kahit hindi dumaan sa Kongreso.
Ayon kay Shanahan, pag-aaralan pa nila ang desisyon sa paggawa ng proyekto dahil wala umanong tiyak na panggagalingan ang pondo para rito.
Gayunman, nasa kamay ng Defense secretary ang desisyon kung mangangailangan ng konstruksiyon ang border wall bago maglabas ng budget mula sa pondo ng military construction.
Batay sa inisyal na pag-aaral, aabot sa $7 billion ang magagastos sa naturang proyekto.





Comments