Haping-hapi na raw… BONDING NINA CLAUDINE AT GRETCHEN, IDINISPLEY SA SOCMED

Nitz Miralles / BIDA

NAPANOOD namin ang IG story ng pagkikita ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto sa Solaire at pareho silang masaya. IG story ni Sabina ‘yun, anak ni Claudine, at pinakiusapan siya ng mga netizens na ipakita sina Gretchen at Claudine na ginawa naman nito, kaya kumpirmado ang pagkikita ng Barretto sisters.
Kasama ni Claudine ang mga anak na sina Sabina at Quia at tuwang-tuwa si Greta habang kausap si Quia dahil maririnig ang tawa niya. Sabi ni Gretchen kay Quia, masarap siyang magluto, kaya ang hula ng mga netizens, iimbitahan niya sa kanyang bahay sina Claudine at ipagluluto pa.





Comments