Ex-rebel kulong sa boga at granada
- Pabs Hernandez III
- Feb 18, 2019
- 1 min read
BATAAN—Isang rebel returnee ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at granada, kamakalawa sa Bgy. Liyang, Pilar sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Ronaldo Tangente, nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Tangente sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang baril, mga bala at granada.
Nakapiit na si Tangente na nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearm, ammunitions and explosives.





Comments