Alamin mula kay Señor… MGA PANINIWALA KUNG PAANO LILIGAYA ANG TAO
- BULGAR

- Feb 18, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Cheche ng Chenita_ Che @facebook.com
Dear Señor,
Gusto kong itanong sa inyo kung paano ako liligaya? Palagi na lang kasing kalungkutan, paghihirap at pagdurusa ang aking nararanasan.
Ano ang sikreto ng aking kapalaran para magkaroon ako ng kaligayahan?
Naghihintay,
Cheche
Sa iyo Cheche,
Ang sinabi mo, iha, ay aral ng mga Hindu na rito sa mundo ay pawang kahirapan at pagdurusa lang ang nananaig.
Dahil ang nasabing paniniwala ay panrelihiyon, siyempre, ang solusyon nila rito ay umanib sa kanila, ngunit, ang tanong mo ay walang kaugnayan sa relihiyon, kaya wala kang dapat aniban, pero may solusyon para rito, ano kaya ito?
Ayon kay Plato, ang dakilang philosopher, ang tao noon ay may apat na kamay, apat na paa, isang ulo, pero dalawa ang mukha, genetalia o sex organ, kumbaga, ang babae at lalaki ay magkasama sa iisang tao. Sobrang lakas at makapangyarihan ang tao, kaya ang mga diyus-diyosan ay natakot dahil sa super powers na taglay ng mga ito at sa takot ng mga diyus-diyosan, hiniling nila kay Zeus na hatiin ang tao.
Kaya ngayon, ang tao ay dalawa — babae at lalaki, sila ay hindi na magkasama o iisa.
Sabi nila, ang tao ay magiging abala sa paghahanap sa “kahati” nila, kumbaga, makikita ang tao na abala sa paghahanap ng kukumpleto sa kanila kung saan ang babae ay hahanap ng lalaki habang ang lalaki ay hahanap naman ng babae at sila ay magiging maligaya at muling kakitaan ng kakaibang kapangyarihan.
Totoo kaya ito? Oo, dahil lahat naman ay abala sa pagmamahal, pero siyempre minsan, hindi maiiwasan ang magkasakitan.
Eh, ‘yung tungkol sa kaligayahan sa pangkabuhayan, makakamit din kaya kapag ang babae at lalaki ay iisa na lang?
Ito rin, Cheche ay pinatutunayan ng mga nagsiyaman kung saan kapag ang babae at lalaki ay nagkasundo at kailanman ay hindi nagkontrahan sa pagpapasya, sila ay tiyak na magiging maligaya at maunlad.
Good luck and God bless!




Comments