Stepdad tepok sa ‘anak’
Pabs Hernandez III
Feb 17, 2019
1 min read
CAMARINES NORTE — PATAY ang isang stepfather nang tagain ng kanyang stepson kamakalawa sa Bgy. Villa Aurora, Capalonga.
Kinilala ang biktima na si Leopoldo Borja, 60, habang ang suspek ay si Alvin Villaraza, 39, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-amain na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng krimen si Borja, samantalang, nadakip naman ng mga awtoridad ang suspek.





Comments