top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ni hawakan ang kamay niya, walang nagtangka… FEELING SUPER-SIKAT NA SINGER, OA, TAKOT NA TAKOT DUMUG

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
1 min read

Blind Item:

DALAWANG female singers ang bida ngayon sa aming blind item na may kani-kanyang drama sa buhay na ikinaloloka ng mga tao sa kanilang paligid.

Si Singer A, magaling namang kumanta at nag-hit ang kanyang mga kanta at madalas kunin sa mga concerts at shows abroad. Mabili rin ang kanyang album dahil swak sa mga millennial, pero sumobra naman ang ilusyon at feeling super-sikat. Natatakot itong lumabas ng bahay dahil baka raw siya ma-mob ng mga fans.

Kaya kahit sa gym lang pupunta ay todo-disguise ito, naka-hoodie at halos ayaw ipakita ang mukha kahit pa nagte-treadmill na! Eh, wala namang lumalapit at nagkakagulo sa kanya, ayaw pa ring tanggalin ang hoodie niya.

Si Singer B naman, isa pa ring dakilang taklesa at feeling super-sikat din. Kung tutuusin ay baguhang singer pa lamang ang kategorya niya. Sinuwerte lang na nag-hit ang kanyang mga kanta kaya naging in demand at madalas kunin sa mga out of town shows.

Hindi lang nagustuhan sa kanya ng mga tao, eh, noong minsang tumanggap siya ng show sa isang probinsiya somewhere sa Northern Luzon sa imbitasyon ng isa sa mga anak ng pamoso at kontrobersiyal na politician, maayos naman siyang nabayaran sa show, pero nag-post pa siya sa social media na kung alam lang niya na ang controversial family ang involved ay hindi siya pumayag mag-show.

Ayun, na-bash tuloy siya!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page