Most wanted criminal tiklo
Pabs Hernandez III
Feb 17, 2019
1 min read
LA UNION — Isang most wanted criminal ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Nalasin, Balaoan.
Kinilala ang suspek na si Moreno Planco, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Planco sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong illegal possession of firearms and ammunitions.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments