Kahit bida pa… CHOI JIN HYUK, OUT NA SA LAST 4 EPISODES NG THE LAST EMPRESS
- Lee Vin Nia
- Feb 17, 2019
- 1 min read

HINDI na pala mapapanood ang aktor na si Choi Jin Hyuk sa final four episodes ng top-rating K-drama na The Last Empress ng SBS dahil daw sa conflict of schedule.
Ang nasabing final 4 episodes kasi ay extension lang dahil nga sa public clamor. Instead na 48 episodes na original plan ay naging 58 na ito at ang finale ay eere sa Feb. 21.
Dahil nga extension na lang ito, hindi na pumuwede si Choi Jin Hyuk na isa sa mga bida ng The Last Empress at gumaganap sa role na Wang Sik/Woo Bin.
Ayon sa SBS representative, natapos na raw ni Choi Jin Hyuk ang lahat ng kanyang mga eksena hanggang Ep. 48 at dahil may conflict na sa schedule, hindi na ito makakasama sa mga natitira pang episodes na eere nang Feb. 20 and 21.
Nagbigay din ng pahayag ang G-Tree Creative na label ni Choi Jin Hyuk at nagpaliwanag na may fan meeting daw ang aktor sa Taiwan na dati nang naka-schedule.
“Due to scheduling conflicts, Choi Jin Hyuk is not appearing in (The Last Empress) after yesterday’s episodes. Because of a previously scheduled fan meeting in Taiwan, it was unavoidable that he wrap up filming,” pahayag ng agency ng aktor.
Nagpasalamat naman ang The Last Empress production kay Choi Jin Hyuk for giving his all in playing the character.
“We sincerely thank Choi Jin Hyuk, who put his all into his character, and the remaining actors and staff will do their best. We ask for your continued love and support,” pahayag ng source mula sa production.





Comments