Guro todas sa riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Feb 17, 2019
- 1 min read
MAGUINDANAO — Isang guro ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Bulit, Datu Montawal.
Kinilala ang biktima na si Emmanuel Gonzales, guro ng Pikit National High School at nakatira sa Bgy. Poblacion, Pikit, North Cotabato.
Ayon sa ulat, sakay ng kanyang motorsiklo si Gonzales nang bigla itong barilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments