For sure, dehins ka ng mahihiyang magsabi ng feelings mo kay crush, lodi! KUMPANYA NA KERING TUMULON
- BULGAR
- Feb 17, 2019
- 2 min read

MARAMI riyan ang hindi pa rin nagkaka-love life dahil lumipas na ang panahon, eh, torpe pa rin. Ooops! Pero, mga bro at sis, knows ba ninyo na dehins ninyo kailangang mamroblema sa pag-amin kay crush dahil mayroon ng kumpanyang kaya itong gawin para sa inyo? Wow!
Ito ay tinawag na Kokunavi kung saan ang pangalang ito ay mula sa Japanese word na “Kokuhaku” na nangangahulugang ‘confession of love’ at ‘navigation’.
Layunin umano ng Kokunavi na tumulong sa mga mahiyaing indibidwal na magtapat ng kanilang nararamdaman sa kanilang natitipuhan nang hindi nakararamdam ng anumang emotional stress.
May staff na ipadadala ang Kokunavi kung saan ang taong ito ang pupunta sa hinahangaan ng kliyente at magsasabi ng mensahe na nais ipahatid ng indibidwal na torpe.
Mayroong ino-offer ang Kokunavi na iba’t ibang package, gayundin ang halaga ng bawat isa. Una, ang Simple Course na mayroong pinakasimpleng paraan na nagkakahalagang 29,000 yen o $260 kung saan ang Kokunavi staff ay magpapadala ng mensahe sa napupusuan ng customer.
Ang ikalawa naman ay ang Support Pack Course na mayroong dalawa hanggang tatlong meetings kasama ang expert staff ng Kokunavi. Makatatanggap ng advice mula rito ang kliyente kaugnay sa mga salitang isusulat niya sa kanyang confession, gayundin ang tamang oras at lugar kung saan ito dapat dalhin na nagkakahalagang 59,000 yen o $530.
Ang ikatlo at huli ay ang tinawag na Premium Package kung saan ito ay may apat hanggang limang meetings kasama ang Kokunavi staff na siyang gagawa ng lahat ng bagay kabilang ang Support Package.
Dagdag pa rito, dala ng staff sa bawat meeting ang mga record ng mga nagawang project ng kumpanya upang gamitin ito bilang basehan ng pinakaepektibong paraan ng pagko-confess sa natitipuhang indibidwal ng kliyente.
Maliban pa rito, siniguro ng kumpanya na hindi mai-in love ang iyong crush sa staff ng Kokunavi dahil hindi lamang iisa ang kasarian ng kanilang mga staff.
Oh, ayan mga bro at sis, puwede na pala kayong magtapat sa inyong crush nang hindi nai-stress. Sa mga natotorpe riyan kapag nakikita si crush, siguradong magugustuhan ninyo ito, kaya ano pa ang hinihintay ninyo?
Gora na, mga beshy! Good luck! He-he-he!
Comments