top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Asia's Songbird, nagpakatotoo lang.. REGINE, KUMANTANG WALANG BUMILI NG TIKET, CONCERT KINANSEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2019
  • 1 min read

LOOKING back at the mountains and molehills na pinagdaanan ng mga sikat nating artista, may tatalo pa kaya sa journey ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez?

She recalled the times when she was just starting as singer.

“Ako, alam kong may boses ako, pero payat ako at walang appeal nu’ng bata pa ako. Halos lahat ng mga singing contests yata, dinadala niya (daddy ni Regine) ako.”

Ang hindi niya ma­kakalimutang kara­na­san ay nu’ng minsan daw na nagkaroon siya ng concert.

“Bale celebration ko ‘yun ng 18th birthday ko at sa Rizal Memorial Stadium pa yata ‘yun gagana­pin. Last hour, na-cancel ‘yung concert ko, walang bumili ng tiket. Kasi ‘yung kasa­bay ng concert ko noon ay ‘yung… (nag-isip ito bago naalala), concert din ni Stevie Wonder noon.”

At sa kanyang love life, hindi na niya masyadong binanggit ’yung tungkol sa kanila ni Ariel Rivera noon.

“Ang importante ay friends kami ni Gelli (de Belen) ngayon.”

A case of being too young daw silang lahat noon.

She revealed na may planong pag­samahin silang muli ni Robin Padilla sa movie. Hindi kaya magselos si Ogie Alcasid sa muling pagsasama ng dalawa, eh, minsan nang inamin ni Regine sa isang interview na ang mister ni Mariel Rodriguez ang pinakamasarap humalik sa lahat ng naging leading men niya?

Samantala, at one point of the interview kay Regine, she was shown the picture of Tony Labrusca.

Tawa nang tawa ang Asia’s Songbird at ang sabi, “Isang tumbling na lamang at bibigay na ang asawa ko para maging member ng LGBT.”

This was quickly answered by the host at sinabing, “Welcome to the club!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page