After ng hiwalayan kay Romnick… HARLENE, IBINUKING NA MAY BAGO NANG PAPA

Nitz Miralles / BIDA

DUMALO si Harlene Bautista sa MMFF Appreciation Gathering kung saan ibinigay ng MMFF ang cash prizes sa mga winners ng festival.
Dumalo si Harlene bilang producer ng MMFF entry na Rainbow’s Sunset na produced ng Heaven’s Best Entertainment Productions. Kasama ni Harlene ang cast ng Rainbow’s Sunset na sina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Ms. Gloria Romero.
Ayon kay Harlene, may plano silang sumali sa 2019 MMFF na formal nang binuksan noong February 15. Hindi pa lang niya alam ang material na isa-submit sa MMFF.
May pakiusap si Harlene sa MMFF na sana ay pakinggan. Sana raw, ilabas ang nominations sa opening day mismo ng MMFF dahil malaking tulong para panoorin ang mga entries. Ang Rainbow’s Sunset, mas kumita nang manalo ng awards at sabi ni Harlene, nabawi nila ang production cost ng movie.
Sinundan pala ng mga reporters si Harlene dahil sabi ng host na si Noel Ferrer, may love life na siya after her separation from Romnick Sarmenta, bagay na itinanggi ng aktres. Ang mga anak pa rin ang nagpapasaya sa kanya, pero friends sila ni Romnick at nag-uusap pa rin.
Ipinarating namin kay Harlene ang napansin namin na nila-like ni Director Rico Gutierrez ang mga posts niya. Sabi ni Harlene, dahil ‘yun sa friends pa rin sila ng kanyang ex-BF at ama ng kanyang panganay. Isa si Direk Rico sa mga una niyang pinagsabihan na maghihiwalay na sila ni Romnick.
“Lagi kaming nag-uusap noon at nabanggit kong maghihiwalay na kami ni Romnick. Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan at kung ano ang makakaganda, gawin mo,’” ayon pa kay Harlene.





Comments