Nang ipanganak ni Cory… KRIS, TODO-THANK YOU NA IBINIGAY SIYA SA BUONG MUNDO

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SAMANTALA, nagpasalamat at inialay naman ni Kris sa ina ang kanyang kaarawan dahil ibinigay daw siya ni dating Pres. Cory Aquino sa mundo noong ipinanganak siya nito.
Aniya, “Thanks Mom, this should actually be your day. February 14, 1971 at 11:42 PM you gave the world Kristina Bernadette Cojuangco Aquino.”
Kasabay ng kanyang kaarawan noong February 14, naglabas ng “Unscripted with Kris” webisode ang Queen of All Media kung saan ay in-interview siya nina Ogie Diaz at Dindo Balares at pinag-usapan ang kanyang kalusugan, pending vacation at kasong kinakaharap laban sa dating manager na si Nicko Falcis.
Sa Japan nag-celebrate ng kaarawan ang Queen of All Media kasama ang kanyang mga anak, pero sinigurado niyang may mapapanood ang mga netizens sa kanyang kaarawan.
Aniya, “I felt that I wanted [my fans] to be able to share my birthday. But I had promised the boys na kung ano’ng gagawin namin sa bakasyon naman would be edited after the vacation. Hindi siya happening at the moment.
“So sinabi ko na compromise ito, para on February 14, mayroon silang mapapanood.”
Sa unang episode, tinanong si Kris kung nag-backout daw ba ang kanyang endorsers dahil sa kanyang sakit na Chronic Spontaneous Urticaria na isang autoimmune disease.
Ayon kay Kris, “Alam mo, doon ako mabibilib sa kanila. Kasi they respected the honesty. I think that when you have built long-term relationships and siguro, ang ano, more than having admitted the illnesses, alam mo naman kung ano ‘yung mga naging issue na ibinato sa akin, I never denied anything eh. I stood by my truth.
“I think na I’m not a perfect person but I have never portrayed myself as being perfect. Kung ako rin naman siguro, kung may produkto akong ibinebenta, gugustuhin ko ‘yung tao na what you see is what you get.”
Sa ikalawang episode, naging usapan kung paano hina-handle ng Queen of All Media ang mga “negative people” sa kanyang paligid na nanghihimasok sa kanyang buhay.
Aniya, “Bakit ko papatulan ‘yung mga kasinungalingan na ako mismo, eh, naging buhay ko ‘yun, eh?
I’ve lived it. So why do I have to explain my life to people who have already prejudged me? Why will I say a story na ‘yung sa kanila based on fiction, akin based on facts? Ganu’n kasimple ‘yun.”
Dagdag pa niya, “I have complete trust in my lawyers, because there are certain things talaga na hindi nadadaan sa magandang usapan, dahil ‘yung kausap mo are living in a different planet. Madaling mag-concoct ng version nila, pero bakit ko papatulan ‘yung version na ‘yun when it will steal my peace?”
Sa puntong ito, napagdesisyunan na raw ni Kris na tumahimik na lang dahil siya ay “finally grown up” na.
Sa isang parte ng series na ito, sinagot din ng Queen of All Media kung open ba siyang patawarin ang Falcis brothers na sina Nicko at Atty. Jesus dahil sa ginawa nito sa kanya.
Aniya, “Hindi na, dahil sobrang kawalanghiyaan na ang pinagdaanan ko… Utang na loob, hindi! Milyun-milyon na ang nagastos ko sa lawyers ko. There’s no remorse and there’s nothing but hatred being thrown my way. There has been zero gratitude when I earned millions for him.
“Niloko na ako, dinaya na ako, ipinapamukha pang ako ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Bakit ko patatawarin? Eh, di ang buong Pilipinas, sasabihin naman — ang pinakatangang tao sa Pilipinas, si Kris Aquino. No.
“I can forget. He can cease to exist in my life. But to forgive? I’m not a saint. I can ignore. That’s the wisest thing I can do. I can ignore the stupidity,” ang naging pahayag ng Queen of All Media.
Nang nabanggit naman ang totoong kalagayan ng kanyang kalusugan ngayon, aniya, “I was told by my legal team to not discuss it, only because we have ongoing court cases. Sinabihan ako na iregalo ko raw sa sarili ko ‘yung privacy of that.
“Sa lahat ng mga paninirang-puri na ginawa nila sa akin, pansasampal ko na lang lahat ng medical records verified from Singapore in October and January. The truth is always the best revenge,” ang naging pahayag ni Kris.





Comments