top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MASAKTAN KUNG UUNAHIN ANG PAGHAHANAP NG KASINTAHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Nag-break kami ng boyfriend ko pagkata­pos ng isang taon naming relasyon, pero hanggang ngayon ay mahal na ma­hal ko pa rin siya. Nais kong malaman kung magkakabalikan pa kaya kami, kahit may ni­li­ligawan na siyang iba at ang masakit dito ay best­friend ko pa?

  2. Magkakabalikan pa ba kami at kung hin­di na, sino ang la­laking inilaan sa akin ng kapa­laran at kailan ko siya makikilala at dara­ting?

  3. Nais ko ring mala­man, Maestro, kung makapag-a-abroad ako bilang caregiver na si­yang propesyon ko nga­yon?

KASAGUTAN

  1. Huwag mo ng isi­pin ang ganyang klase ng lalaki dahil pampagulo lang siya sa buhay mo. Ito ang nais sabihin ng ma­raming bilog at putul-putol na Heart Line sa unahan hanggang gitnang bahagi (Drawing A. at B. h-h arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa edad mong 25 pataas, malabo ka pang lumigaya at mag­tagumpay sa larangan ng pag-ibig kung saan sa tu­wing makikipagrelasyon ka, pagluha lang ang iyong mararanasan.

  3. Kaya tulad ng nasabi na, sa panahon ngayon hu­wag mo ng intindihin ang lalaking ‘yan at ang tung­kol sa pag-ibig dahil pam­pagulo lang sila sa iyong buhay. Sa halip, tama ang ginagawa mo ngayon, mag-concentrate ka sa gi­nagawa mong pag-a-apply sa abroad dahil kung pa­ngit ang iyong Heart Line (h-h arrow a. at b.), sadya namang pinagkalooban ka ng maganda, malawak at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Tanda na sa pangi­ngibang-bansa, susuwer­tehin ka at sa nasabing pag-a-abroad, mas madali mo ng makalilimutan ang mga nagdaang kabiguan sa la­ra­ngan ng pag-ibig upang minsan pa, kapag nakali­mutan mo na ang nasabing lalaki, sa pag-a-abroad ay aasenso at si­gu­radong mag­tatagumpay ka at sa ban­dang huli, sa pa­nahong may asawa ka na ay mag­kakaroon ka ng maliga­yang pamilya, ha­bambu­hay na kinumpirma ng ma­­ganda at makapal na Mar­riage Line (1-M arrow d.) sa kaliwa at ka­nan mong palad.

  5. Tanda na kung bigo ka sa una mong pag-ibig, umasa kang sa panahon ng pag-aasawa, tiyak ang ma­gaganap, magtata­gumpay ka at tulad ng nasabi na, magkakaroon ka ng ma­li­gaya at panghabambuhay na pamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa kaso mo, Cherry, hindi pa panahon upang umibig at ma-in love ka, sa halip, ang angkop at ang ta­mang panahon sa kasa­­luku­yan ay ang pag-a-ab­road.

  2. Ayon sa iyong mga datos, nakatakda itong mangyari ngayong 2019, sa edad mong 25 pataas kung saan may mabunga at mabiyayang pangingi­bang-bansang itatala sa iyong kapalaran habang sa pagsapit ng taong 2022, sa edad mong 28 pataas, ‘yun ang panahon na muli kang mai-in love at mag­kakaroon ng bagong boy­friend na may zodiac sign na Libra kung saan ang lalaki na ngang ito ang ma­kakasama mo sa pagbuo ng maligaya at pang­ha­bambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page