Magsasaka tepok sa riding-in-tandem
ISABELA—Isang magsasaka ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang barilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Centro Uno, Mallig sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Seguancia, tubong Isabela, samantalang, ang sugatan ay si Arnold Balutoc, tubong Kalinga.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Seguancia ang kanyang motorsiklo at angkas si Balutoc ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.
Patuloy na ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa dalawang biktima.





Comments