top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

FERRER, NAGHARI SA BACOLOD BOYS RMS RAPID CHESS TOURNEY

Eddie M. Paez Jr.
Feb 16, 2019
1 min read

NAGPAKITA ng ma­tinding tikas sa board si Jhu­rell Rodjun Ferrer nang ku­nin nito ang korona ng 1st RMS Rapid Chess Tourna­ment Boys Under 12 sa Ayala Central Mall ng Ba­colod dala ang walang du­ming rekord na pitong pa­nalo sa pitong laro.

Si Christian Pelione ang malayong bridesmaid dahil sa naiposte nitong limang pa­­nalo at dalawang draws para sa kabuuang anim na puntos habang si Augustine Shawn Paril ang puma­ngatlo sa kartadang 5.5 pun­tos.

Halos ganitong kuwento rin ang nasaksihan sa Girls Under 12 na grupo nang tapusin ni Yzabella Noriel Nabor ang kampanya sa tuktok ng pulutong dala ang anim na panalo at isang tabla pagkatapos ng 7 rounds. Sina Nathania Lorraine Be­lenario at Precious Dolar ang iba pang nakasampa sa po­dium dahil sa kanilang tig-aanim na puntos.

Samantala, iniuwi ng Cebu Technological Univer­sity (CTU) ang kampeonato ng State College and Uni­versities Athletic Associa­tion (SCUAA) 7 chess tour­nament sa Cebu. Pinangu­nahan ni Junry Romero ng Cebu City at silver medalist sa nakaraang national SCU­AA, ang atake ng CTU ma­tapos kumulekta ng 6.5 puntos sa pag-upo ng Ce­buano sa board 1. Sumandal si Romero, may rating na 1930, sa anim na panalo at isang draw para sa halos wa­lang mantsang performance sa kompetisyon.

Sa kabilang dako, nag-ambag sina Allan Christian Ibanag at Jhared Almerez ng tig-aapat at kalahating pun­tos sa gitnang boards. Si Jay Batoon ay nakapangalap sa board 4 ng 4 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page