top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BF daw ng padir niya… IÑIGO, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA PHOTOS NI PIOLO AT NG GUWAPONG KANO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 16, 2019
  • 2 min read

"LIKE what I am saying every time we answer bashers, we are human too. Si Papa kasi, ‘di siya ma-social media, so every time ‘pag nag-social media siya, tapos ‘yun pa ang nakikita niya, siyempre, as a human being we got affected,” bungad na pahayag ni Iñigo Pascual nang hingan namin ng reaksiyon sa pinakabagong demolition job sa kanyang amang si Piolo Pascual kung saan iniuugnay ito sa isang American guy.

Patuloy na pahayag ni Iñigo, “We are humans, we are not robots that cannot take emotions. We got pissed off lalo na ‘pag meron tayong pinagdaraanan in the real world, ‘pag nakita natin ‘yun, maaapektuhan na rin tayo.”

Ayon kay Iñigo, pinag-uusa­pan naman nila ni Piolo ang tungkol sa mga pambu-bully sa ama ng ilang netizens.

“I’ve been telling him, ‘You know, it’s not worth it.’ Sabi ko sa kanya, ‘yung mga sinasabi ko sa kanya, things I learned from him.

“Before, I get affected, but now I feel when someone is bashing you, you must be doing something great with your career. If they are trying to pull you down, you must be doing something right,” pani­niwala pa ni Iñigo na dahilan kaya may mga gustong sumira sa kanyang amang si Piolo.

Kamakailan nga, kumalat online ang mga larawang kasama ni Piolo ang isang foreign guy kung saan binibigyan ito ng malisya at pinalalabas na magkarelasyon ang dalawa.

Kahit kami ay nakakahalata nang mukhang may mga taong nasa likod ng paninirang ito kay Piolo at pilit ibina­bagsak ang Kapamilya actor.

May mga pagkakataon na ring ‘di napigilang sumagot ni Piolo sa mga bashers at tulad ng sinabi ni Iñigo, bilang tao ay may damdamin din silang nasasaktan at may hangganan din ang pagtitimpi nila.

Samantala, nagluluksa at ‘di rin napigilan ni Iñigo na maging emosyonal nang mapag-usapan namin ang tungkol sa fan niya na namayapa dahil sa cancer. Dinalaw pa ito ng singer-actor sa ospital nu’ng nakaraang taon. At ayon nga kay Iñigo, mas nabigyan niya ng mas malalim na kahulugan ang kanta niyang Dahil Sa Iyo dahil sa ipinakitang tapang at tatag ng loob ng namayapang fan.

Pumunta rin si Iñigo sa burol ng fan. Hinintay pala siya ng pamilya nito para personal siyang makapagpaalam sa tagahanga bago pa ito inihatid sa huli nitong hantungan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page