top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Anak ni Da King, No. 1 kasi sa survey… COCO, 'DI KAILANGAN NI SEN. GRACE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 16, 2019
  • 3 min read

TAMA lang pala na ‘di nagbigay ng comment si former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. when we asked him tungkol sa bagong love life ng anak niyang si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla. Hinayaan na lang niya na si Jolo na mismo ang magkumpirma sa relasyon nito sa dating beauty queen na si Angelica Alita.

Ishinare ni VG Jolo ang pic­ture nila ni Angelica sa kanyang Instag­ram account at doon ay very open siya sa pag-display ng nararam­daman niya sa GF. ‘Wag na ring magtaka if after election ay may maganap na kasalan sa Revilla clan.

Why not, coconut?

He’s already 30 years old at ayos naman ang career niya sa politics and showbiz. Malaki na rin ang kanyang first born na si Gab at matalinong bata.

But with regards to Angelica, hindi siya masyadong kilala sa showbiz except that she’s a former beauty queen and ex-girlfriend ni Brian Llamanzares na anak ni Senator Grace Poe and of course, grandson ng movie queen na si Susan Roces at ni Da King Fernando Poe, Jr..

May ilang entertainment press naman ang nakakita sa kanya sa ini-launch na brand na relo ni Brian last year. At sa family gatherings ng pamilya ni Brian, we heard present most of the time si Angelica.

But last Christmas, ‘di na raw nakitang kasama ni Brian si Angelica sa celebration ng family ni Sen. Grace Poe, kaya maaaring before December pa naging sila ni Jolo.

What a coincidence naman na ang ex ni Jolo na si Jodi Santamaria ay naging asawa ng anak ni Sen. Ping Lacson na si Pampi, at ngayon, ex ng anak ng isa na namang senador ang girlfriend ni Jolo. ‘Di ba?

Habang si Brian, mukhang wala pang bagong girlfriend. Gusto niya sigurong mag-concentrate sa pagtakbong muli ng mom niya sa pagka-senador sa May elections. For sure, busy siya sa pagsama sa campaign ni Sen. Grace.

Present si Brian sa proclamation rally ni Sen. Grace na ginanap sa Zaragosa, Tondo last Wednesday. Bukod kay Brian, nandoon din ang kanyang ina na si Susan Roces at mister na si Neil Llamanzares.

Nag-perform din sa proclamation rally ni Sen. Grace si Gloc 9 at pinatawa naman ni Wacky Kiray ang mahigit 5,000 taong nandu’n. Ang komedyanteng si Giselle Sanchez ang host ng event.

Dumating din ang Kapuso star na si Heart Evangelista na nagpakilala sa kanyang mister na si former Senator Chiz Escudero na naging running mate ni Sen. Grace noong 2016 presidential election.

May sentimental value raw kay Sen. Grace ang Tondo kaya ito ang napili niyang pagdausan para sa kanyang proklamasyon sa pagtakbo sa Senado. Dito raw kasi ginawa ni Da King FPJ ang mga pelikula niya noon gaya ng Tatak ng Tondo, Tondo: Isla Puting Bato and Agila ng Maynila, among others.

Hindi namataan sa proklamasyon ang bida sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin. Baka may prior commitment na ang aktor, pero malamang, susuportahan pa rin niya ang kandidatura ni Sen. Grace.

Anyway, consistent topnothcer in pre-election surveys si Sen. Grace kaya baka ‘di pa kailangan ang presence ni Coco sa mga unang kampanya niya. Although, may pressure rin daw kay Sen. Grace ang pangunguna sa mga survey.

“Oo, siyempre, may pressure, may expectation ang mga tao sa ‘yo, pero may pressure naman para sa lahat ng kandidatong tumatakbo na maging matagumpay ka,” lahad niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page