WTA DOUBLE CARRY-OVER SA SLLP

SIGURADONG maraming mag-uunahan na pumila ngayon sa mga takilya ang bayang karerista para makataya sa Winner-Take-All na magdadala ng double carry over na mahigit na P2.1 milyon sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Kasabay nito, aalagwa rin ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa pitong karerang aalagwa ngayong gabi.
Magsisimula ang karera ng dakong ala-7:00 ng gabi sa Race 1 at tatlong mananakbo ang pinapaboran ang Fire Council, Rochelle at Hidden Eagle. Susundan ng Race 2, kasabay ng panimula ng Pick 6 at pinapaboran ang Momentum, Entry No.4, at Alberto.
Ipinapatok ang Universe ni Horse Owner Sandy Javier Jr. at magsisilbing kalaban, isama ang Ace Cup sa Race 3 na panimula ng Pick 5 event. Tatlong kabayo ang napipisil ko sa Race 4, ito’y pangungunahan ng Con Todo Mujer at Ten Ten Forty kasabay ng Pick 4.
Pagpipilian ang Biglang Buhos at Shout for Joy, binibigyan ko nang panalo ang Apo at Papa Loves Mambo sa Race 5. Sa Race 6, maglalaban ang mga kalahok na Mighty Bon, na siyang nakalalamang sa grupo, Mahilig, Nicole’s Pet, Tisay at Simply Believe. Nakalalamang ang Exceptional Gee at makakalaban ang Camorra, Port Angeles at Liliput, isama ang Asky Full of Stars at Wild Talk sa last Race 7 na pagsisilbing paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.
Tip ni Mang Ding Race 1- Fire Council (7) Hidden Eagle (8) Rochelle (3) Race 2-Momentum (9) Entry No.4 My Lady Consa (2) Race 3- Universe (6) Silver Glow(6) Race 4- Con Todo Mujer (2) Ten Ten Forty (1) Buenos Aires (5) Race 5- Shout For Joy (10) Biglang Buhos (6) Papa Loves Mambo (5) Race 6- Mighty Bon (1) Simply Believe (5) Tisay (3) Race 7- Exceptional Gee (10) Camorra (9) Port Angeles (5).





Comments