Todo-hinayang na ngayon, hinay-hinay na… ENRIQUE, IPINAGSIGAWANG P.5 M ANG PINAKAMAHAL NA REGALONG
- BULGAR

- Feb 15, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA isang interview, inamin naman ng aktor na si Enrique Gil na pagbibigay ng regalo ang kanyang love language, pero sa kabila nito ay ikinuwento ng aktor na napagkasunduan nila ng kanyang onscreen and off screen partner na si Liza Soberano na ‘di sila magbibigayan ng regalo ngayong Valentine’s Day para makapag-ipon sa kanilang future.
Ikinuwento rin ng bida ng pelikulang Alone/Together na umabot sa kalahating milyon ang pinakamahal na regalong naibigay niya kay Liza.
Aniya, “We spend like half a million in a gift or something like that, you know. After that, sabi namin, parang tama na muna.
“It’s been P500 K and you know, it’s a gift and stuff, so sabi namin, just slow down na parang we don’t really need it as much na rin.”
Samantala, nakagawian na raw nila ang pagse-celebrate ng Valentine’s Day ngunit mas magpo-focus daw sila ngayong taon sa pelikula nilang Alone/Together na palabas na ngayon.
Kuwento ng aktor, may 22 block screenings sila na pupuntahan kaya mukhang malabo na raw na maisingit nila ang kanilang special V-Day dinner.
Aniya, “We have block screenings on that day. I think 22 block screenings on that day so parang mahirap ata isingit ‘yung dinner.
“So, I may have something for her... for our dinner, siguro i-reschedule na lang namin ‘yung dinner date namin.
“Kahit mag-dinner na lang kami sa van on the way, basta magkasama kami.”
Dagdag pa niya, “I think simple naman siya i-please, eh. Hindi naman maselan si Liza, that’s what I love about her too.
“Kahit dalhin mo kahit saan ‘yan, okay sa kanya,” pagtatapos ni Quen.
Samantala, good news para kina Enrique at Liza na kumita ng P21,672,901.58 ang kanilang pelikulang Alone/Together sa unang araw nito sa kabila ng krisis na pinagdaraanan ng mga pelikulang Pilipino ngayon.





Comments