top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SINO MAUUNA SA FINAL 4, NU O ATENEO SA UAAP JRS?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2019
1 min read

MAKABALIK sa finals sa ikalawang sunod na taon ang tatangkain kapwa ng National University at defending champion Ateneo sa pagsabak nila sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa Final Four ng UAAP Season 81 juniors basketball sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Target ang kanilang ikawalong sunod na finals appearance, makakatapat ng top seed Bullpups ang 4th seed Adamson University Baby Falcons sa unang laban ganap na ala- 1:00 ng hapon.

Ang Baby Falcons ang nag-iisang koponang gumapi sa Bullpups noong nakaraang eliminations na pumigil sa dapat sana’y sweep at outright entry sa finals.

Para sa naghahangad ng back-to-back title na Blue Eaglets, makakaharap nila ang Far Eastern University-Diliman sa isa pang semis pairing ganap na alas-3:00 ng hapon. Sisikapin ng second seed Ateneo na makumpleto ang nasimulang elimination round sweep nila sa FEU.

Dahil sa tumapos na top two noong preliminary round, kinakailangan lamang ng NU (13-1) at Ateneo (11-3) na manalo ng isang beses upang umusad sa best-of-three title showdown. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page