Maawa sana sa mga pamilya ng mga biktim na hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa... HUSTISYA PARA SA
- BULGAR

- Feb 15, 2019
- 4 min read

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

SA kabila ng laban ng mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia vaccine at ng Public Attorney’s Office (PAO) para sa katarungan, may mga pilit na ikinukubli ang katotohanan hinggil sa mga isyu tungkol dito sa pamamagitan ng mga akusasyon na hindi totoo. Kamakailan lamang, ang inyong lingkod ay buong pusong nakasuporta sa nasabing mga biktima ay “binibiktima” rin nila. Pagkukulang ng iba ay ibinubunton sa PAO.
Sa mga kaganapang ito, laking-pasasalamat ng mga magulang ng nasabing mga biktima na itinataguyod pa rin ni Secretary Menardo I. Guevarra ng Department of Justice (DOJ) ang mga pagsunod ng PAO Chief alinsunod sa kautusan mismo ng DOJ, ang Department Order No. 792, na inisyu noong December12, 2017. Ito ay hinggil sa pag-awtorisa sa Public Attorney’s Office sa pamamagitan ng inyong lingkod na magbigay ng libreng tulong-legal sa mga civil, criminal at administrative case sa mga posibleng biktima ng “Dengvaxia related injuries, illnesses and deaths”. Mananatiling patas ang DOJ sa bawat panig. Sinabi ni Secretary Guevarra na walang sinuman ang may karapatan na hingin ang resignation ng inyong lingkod na sinisisi ng ilang tao sa measles outbreak sa bansa. Binigyang-diin ni Secretary Guevarra na hindi binanggit ng inyong lingkod ang anumang bakuna maliban sa Dengvaxia sa maraming complaints na nakasampa sa DOJ.
Dagdag pa rito, naniniwala si Secretary Guevarra na ginagawa ko lang ang aking tungkulin. Nakatataba ng puso na ang Kalihim pa mismo ng DOJ na mother department ng PAO ang nagsabi nito: “PAO Chief Acosta is just doing her job and certainly does not intend to scare the public about the possible negative effects of vaccination in general.”
Bukod kay Secretary Guevarra, dinepensahan din ang inyong lingkod ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Aniya: “The PAO chief as a lawyer is defending or pursuing the theory that favors the clients. In other words, she’s pursuing an advocacy, an impassioned one. I cannot blame her for that.” Hindi rin tinatanggap ni Presidential Spokesperson Panelo na pino-politicize ng inyong lingkod ang isyung Dengvaxia.

Mainit na suporta rin ang ibinigay ni Mayor Inday Sara Duterte ng Davao City sa akin. Sa walang patumpik-tumpik na pananalita, diretso at malinaw ang kanyang ipinaabot na pahayag sa isang senadora:
“Ikaw ang dapat mag-resign dahil wala ka ng sinabi na tama. Lahat sablay! PAO Chief Acosta is doing her job in assisting indigent litigants who want to sue. Dengvaxia eroded the parents confidence in vaccines and you can easily verify this if you talk to the people in barangays instead of putting your head inside your behind all the time. Dengvaxia killed innocent individuals, bakit walang human rights angle rito? Paano masosolusyunan ang outbreak sa pagpapa-resign kay Atty. Acosta? Mag-isip tayo ng solution, hindi opposition para lang may masabi. Kapag gusto nating magsalita pag-isipan muna para hindi nakakahiya.”
Ang inyong lingkod at mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia vaccine at ang marami naming tagasuporta na kasama sa adbokasiya ay babaunin sa araw-araw ang mga nabanggit na pahayag bilang aming inspirasyon ngayong pumapalaot na sa korte ang mga kaso. Sa mga nagbibigay sa amin ng inspirasyon, tinitiyak naming hindi kami bibitaw at ang mga sumusunod na mga salita sa artikulong ito ay malinaw dahil base ang mga ito sa mga ebidensiyang hatid ay katotohanan na hindi mapasusubalian.
“The PAO Chief’s conscience is clear. Sino ang dapat makonsensiya? Maliwanag na ang mga bumili at nanguna sa pagpapaturok ng Dengvaxia na clinical trial phase 3 pa hanggang November 2017, ang dapat managot sa pagkamatay ng mga binakunahan na hindi pa na-dengue. Umamin na ang Sanofi noong November 29,2017 na magkakaroon ng “serious illnesses” ang binakunahan na hindi pa na-dengue o “seronegatives”.
Ang “mass indiscriminate vaccination” (no blood test, no screening, no informed consent) na pagbabakuna nila ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga biktima. Sino ang tumakot sa mga magulang at mga anak, hindi ba sila?
Ang Commission on Audit (COA) Report for 2017 ang tunay na ebidensiya at hindi ang salita lamang nila (pahina 161-162 at 166-167). May “under distribution” ng measles mumps, rubellia etc. Ang DOH mula noong taong 2014(-24%); 2015 (-67%); 2016 (-62%) at 2017 (-83%). (Negative percentage ang measles vaccination; see photos COA Annual Audit Report on the DOH for Year ended 12/31/2017)
Bomba ito laban sa Department of Health (DOH) officials na nagkulang at pilit na ibinabato sa PAO ang kasalanan. Dengvaxia ang binuhusan ng 3.5 bilyones na pera at hindi ang subok na mga bakuna mula noong 2016-2017.
Noong December 19, 2017 lang nag-umpisa ang PAO na mag-imbestiga na sang-ayon sa DOJ Order (12/12/2017). Ang NBI naman ay gayundin sa bisa ng DOJ Order (12/4/2017).
February 2018 lang nagsimula ang mga biktima at magulang na magsampa ng kaso laban sa mga nasasakdal kung saan Dengvaxia ang pinag-uusapan. Lumapit sila sa PAO para humingi ng tulong para sa hustisya.
Kilabutan sana sila sa ginawa nila na pinag-eksperimentuhan ang halos isang milyong Pilipino (WHO by: Peter Smith).
Isandaan at labingwalong (118) dengvaxia deaths na ang natapos ng PAO Forensic Team na autopsy na may common signs and symptoms, common manifestation of the cadavers brain and/or multi- organ bleeding, edema, hemorrhages and enlargement which validate and are consistent to Sanofi declaration for authorization 12 December 2015 sa FDA-DOH.
Wala sa package insert ng Dengvaxia ang four (4) fatal identified risks: (anaphylactic allergic reaction, neurotropism, viscerotropism and increase in severity of dengue disease) ng nasabing Sanofi Declaration sa submission nito for Authorization(12/22/2015). Inilihim ito sa taumbayan kaya walang naganap na informed consent.
Gayunman, walang lihim na hindi nabubunyag. Maisisiwalat din ang buong katotohanan na bistado na sa hukuman sapagkat nakapagsakdal na ang mga magulang ng mga namatay na binakunahan ng Dengvaxia at kapag nailapag na sa hukuman, inaasahan natin na abot-kamay na ang katarungan, lalo na para sa mga sumakabilang-buhay nang dahil sa palpak na bakuna.
(Itutuloy)





Comments