top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 15, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 15, 2019 (Biyernes): La­hat ng tao ay kinakaba­han kung ano ang kahihi­natnan ng kanilang kina­bukasan, pero ginagaran­tiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na mag­ka­karoon ka ng magan­dang kinabukasan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa iyong kapa­laran at hu­wag kang mag-aalinla­ngan. Kikilos ang mahihi­wagang planeta para sa mas mabilis na pagya­man mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-9-11-18-20-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo nang mahig­pit ang mga bi­yaya at mga suwerteng kaloob sa iyo ng langit. Isipin mo na maraming nagrereklamo dahil sila ay pinagdaramutan ng ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-1-8-21-29-33-38

GEMINI (May 21- June 20) - Nagma­madali ang mga suwerte na dumapo sa iyo dahil gusto ng langit na maging maligaya ka at umasenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-24-38-42.

CANCER (June 21- July 22) - Kumuku­ha ng mala­kas na buwe­lo ang malaking suwerte na hin­di napasaiyo dahil mas­ya­do kang negatibo. Huwag kang mag-alala dahil ti­yak na mapasasaiyo rin ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-17-24-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mas­yado kang ser­yoso, kaya ang mga masasa­yang suwerte ay hindi ma­kadikit sa iyo ngayon. Ka­ilangan mong mauna­waan na ang mga taong masaya ay mas binubuwe­nas. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-19-22-26-35-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumili ka ng isa sa napaka­raming maga­gandang ideya na nasa isip mo. Kahit ano ang pi­liin mo, tiyak na aasenso ka. Ang hindi maganda ay kung wala kang mapi­pili na kahit na ano. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-12-27-28-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakasasama ang sobrang pag-iingat. Lu­mayo ka sa mga taong nasa tabi mo na masyadong maingay at hindi maru­nong magsalita nang ma­rahan at malumanay. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-18-28-35-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis na lalago ang iyong negosyo kapag ang produkto mo ay gusto ng mga tao. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-23-36-40-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatu­tuwa ang mga nasa paligid mo dahil akala nila ay sobrang kailangan mo sila, pero ang totoo, kaya mong umasenso nang mag-isa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-1-14-15-22-29-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Init ang panlaban sa lamig. Mag­ha­­nap ka ng magpapa­sigla sa buhay mo. Pu­wedeng tao o bagong pa­ngarap. Muli, huwag mong kalilimutan na init ang panlaban sa lamig. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-25-26-34-40-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka ma­dadalian, ‘yun ang piliin mo. Kahit ka­ilan, hindi ka puwedeng mainip dahil mabilis kang magsawa. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-28-31-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Talas ng isip ang magli­lig­tas sa iyo sa mga mapagsamantala. Dapat mo ring malaman na sobrang interesado ang mga ito na maisahan ka. Muli, talas ng isip ang pa­ganahin mo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-19-22-24-25-37-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page