ABL: HONG KONG PINALASAP ANG PAGKATALO SA ALAB

NALASAP ng San Miguel Alab Pilipinas ang kanilang pangatlong talo sa season matapos daigin ng Hong Kong Eastern, 88-83, noong Miyerkules ng gabi sa ASEAN Basketball League sa Southorn Stadium sa Hong Kong.
Dinomina ni Sam Deguara at Michael Holyfield ang laro upang basagin ang winning streak ng Alab Pilipinas na natigil matapos ang pitong laro. Nagtala ng 18 points at 31 rebounds si Deguara habang gumawa ng 19 points at 20 rebounds si Holyfield para umakyat ang kartada ng Hong Kong Eastern sa 12-9.
Nagtipa ng 29 points, 5 rebounds, at 3 rebounds si Bobby Ray Parks para sa Alab na may 3-3 na kartada sa mga laro sa labas ng bansa. Hindi naman nakalaro ang 7-foot-3 import ng Alab na si PJ Ramos dahil sa food poisoning.
Umabot sa 14 ang kalamangan ng Hong Kong Eastern sa first quarter, ngunit isang tres ang naibuslo ni Parks para makuha ng Alab Pilipinas ang kalamangan, 72-71. Naging anim ang lamang ng Alab, ngunit isang 11-6 run sa huling limang minuto ng laro. “I didn’t know how the game was going to be. I’ve been working since last game. Shows on the court – the work on the side. I didn’t expect nothing. I did my best to stay focused till the last minute to help the team stay focused too,” wika ni Deguara.





Comments