top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

20 bahay tupok sa sunog

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 15, 2019
  • 1 min read

COTABATO CITY—Tinupok ng apoy ang may 20 bahay sa naganap na sunog, kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights sa lungsod na ito.

Ang sunog, ayon sa mga bumbero ay nag-umpisa sa bahay ng nagngangalang Boy Lim at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay sa nasunog ang 19 pang kabahayan.

Wala namang iniulat na nadisgrasya o nasawi sa nasabing insidente.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page